Ayon sa pinakahuling ulat ng National Telecommunications Commission (NTC) noong nakaraang 22 Hunyo 2023, umabot na sa 100,263,627 ang registered SIMs.

Ang Smart Communications Inc. ang nakapagtala ng pinakamaraming registered SIMs na umabot sa 47,369,051. Sinundan naman ito ng Globe Telecom Inc. na may 45,959,017 at ng DITO Telecommunity Corp. na may 6,935,559. 

Ayon naman kay DICT Secretary Ivan John Uy, “Kami ay nagagalak na makitang naabot na natin ang numerong ito para sa ating mga rehistradong SIM users. Hinihikayat namin ang ating mga kababayan na samantalahin ang huling extension para sa pagpaparehistro ng kanilang SIM na maaari na ring gawin sa ating eGov PH Super App. Ang SIM registration ay makakatulong upang mabawasan ang mga text scams at iba pang iligal na gawain ng mga cyber criminals.”

Maaari nang mag-register ng SIM at makapag-access ng ilang serbisyo ng gobyerno gamit ang eGov PH Super App! I-download lamang ang app sa Google Play Store at Apple App Store:

Google Play: https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app&hl=en&gl=ph&fbclid=IwAR0DFVqSROa65CmFX95-qLCWnx9sk7EF7mtOnGrIB18dYNx8Z1DrmMhJNic&pli=1

Apple App Store: https://apps.apple.com/ph/app/egov-ph/id6447682225

Pinapaalalahanan ang publiko na maging alerto sa mga naglipanang online and text scams habang papalapit ang itinakdang deadline ng SIM registration sa Hulyo 25, 2023. 

Para sa mga tanong o report ukol sa SIM Registration, maaring tumawag sa 1326 o sumangguni sa mga sa opisyal na mga links ng SMART, GLOBE, at DITO upang maiwasan ang mga fraudulent activities.